When your VENUS is in Virgo, love can be a little complex. Umpisahan natin sa pinaka basic. Kapag nagkakaroon ng crush, nahihiya. Nahihiya mag-ka crush! Cute diba? lalo sa umpisa. Cute pa. Tapos, hindi niya alam ang gagawin kapag may crush siya. So since hindi niya alam, nagigi siyang awkward. Hindi siya sure kung pano makukuha yung attention ng crush niya, so what happens next is… lalaitin nalang niya. Haha. Venus in  Virgos, when young, are usually those who see all the faults in a person, says it out loud, but deep inside, crush na crush niya yun. Hindi niya bibigyan ng flowers, hindi niya ico-compliment, pero sasabihin niya “Ang gulo naman ng project mo, akin na nga aayusin ko’. ‘Kulang nanaman yung notes mo! Akin na, aysun ko notebook mo, complete ako.” Yan ang galawang Venus in Virgo!

And then, you grow up realizing na hindi ka yung usual cheesy romantic na nadadaan sa bola at bulaklak. With Venus in Virgo, love is service. Love is making things easier for your loved one. You zoom in on the basic essentials. Nakakain na ba siya? Ipagluluto ko kung hindi pa. Lilinisin ko yung kwarto. Bilhan ko ng anti-blue light screen protector, para hindi maabsorb ng mata niya ang harmful rays. “Kuha tayo ng shoe organizer, para hindi kalat-kalat, hindi ka mahirapan maghanap ng isusuot”. Love for you kasi, is being useful, and making sure that the practical needs of your love are all met. With Venus in Virgo, you overextend yourself, to be of service to your loved one. In return, para maramdaman mo na mahal ka din, importante sa’yo na helpful din sa needs mo, ang partner mo. Kung sabi ng sabi ng I love you, pero hindi ka naman tinutulungan sa mga kailangan mo gawin or tapusin, hindi pantay ang pakiramdan.

Virgo is all about narrowed focus, kung saan buong buo ang attention mo sa mahal mo, na lahat nakikita mo, the good and the bad and the ugly! Little details are very much noticed: “Gusot yung t-shirt mo, bat yan ang sinuot mo?”, “May tinga ka, alisin mo, nakakahiya.” Hmmm, Lakas naman nito ngumuya. Nako pinipimple, stressed siguro, bilhan ko ng magandang pimple fighting soap. May reputation for being very nitpicky, critical, and a perfectionist. Parang napakataas ng standard. Pero hindi ibig sabihin na madaming napupuna, e hindi ka na attracted sa partner mo. Quite the contrary. In fact, Venus in Virgo likes having things to fix. It likes being indispensible. “Hay pano ka nalang, pag wala ako!” Venus in Virgo is so focused on its partners, and they always want to polish and improve, not for them per se. Kundi para walang masabing masama ang kahit sino.

Lastly, growth is very much important for someone with Venus in Virgo. Importante na matuto tayo, mag improve tayo. It’s important that we push each other to grow and be the best that we can be. Things may be okay now, but that doesn’t mean there is no room for improvement. It’s not judging the present, but a lifestyle of aspiring to learn and grow and be better. After all, when we know better, we do better. If may partner ka na Venus in Virgo, tapos nag yaya ng relationship counseling, wag mag panic agad! Pwede kasi na sobrang happy lang siya kaya gusto niya siguraduhin na you will have the tools to maintain and even surpass whatever you have now. Hehe. Complex for most, but if your Venus is in Virgo, gets mo ‘to!

Your VENUS sign is most compatible with:

VENUS in TAURUS
VENUS in CAPRICORN 
VENUS in PISCES

Your VENUS sign is most likely to struggle with:

VENUS IN SAGITTARIUS
VENUS IN GEMINI