DECEMBER 2018: Cosmic Weather Report For ALL Zodiac Signs

December!!! Hay, it seems like it was just yesterday when we marked the midyear. Ngayon, December na! Whether you are someone who enjoys festivities or not, it cannot be denied that this is the season where Filipinos truly brightly shine. Yes, beyond OA nanaman sa traffic, and yes, hindi ka na makakalakad sa Divisoria, parang El Shaddai concert na dun sa buwan na ‘to. Madami nanamang gastos, and yung 13th month pay mo, parang panaginip lang, magigising ka nalang, wala na siya. Perooo…

Napakasarap umuwi sa pamilya ngayon. 10 hours na traffic, pero makakasama mo ng matagal ang mga mahal mo sa buhay kasi bakasyon na soon! Madaming reunion, madaming handaan. Madaming ham at Christmas parties. Nagpapractice na yung mga may Christmas presentations. Yung Christmas tree, unti-unti nang nagkakaroon ng mga regalo sa paanan. Pwdeng mga keychain lang yun o kaya notebook, or kahit nga ballpen, o mug, pero masaya makita. Bubuksan yung ng mga bata pag pasko na.  Para sa may mga anak na bata pa, naisip niyo na ba kung ano ang ibibigay ni Santa this year?

Sa mga malayo sa ibang bansa, malapit na mapuno ang balikbayan box! Isang taon ding pinag-ipunan yan… Makakarating na sakanila yan soon dito, at sana lang maganda ang internet para pag nag video call, hindi putol-putol and pag panood ninyo sa unboxing. Nirolyo pa ng maige ang mga tshirt, may pabango sa loob. Pag nakita na ang mga thank you sa facebook with matching tagged photos, parang yung isang taon na pagod, napapawi na.

Madaming mga nagyari lalo na the past retrograde season, na masakit talaga sa puso, pero pag magsisimba na kasama ang mga mahal mo sa buhay, mas nangingibabaw yung pakiramdam na madami tayong pagpapasalamatan. It’s a season of thanksgiving, and a season of forgiveness, joy and simply, LOVE.

Masarap mag pasko sa Pilipinas – simple lang pero makulay at masaya. Madaming mga bata na nangangarolling sa kalye. Sa mall, walang kapaos-paos si Jose Mari Chan. Parang kahit magulo at maingay at yung kapit-bahay ang lakas ng videoke nang walang pakundangan, yung puso mo parang busog na busog sa pagmamahal. 

It will be safe to say na mas heightened ang feeling of good will and hope ngayon, after all, Jupiter is back home in Sagittarius, after 12 long years! Everything feels lighter and the air is full of possibility. It’s truly time to hope and believe, and most importantly, to wish – be so bold as to wish now, more than ever! 

For really specific details on how this month’s Cosmic Weather may affect you, you will need your exact birth time and place, and a competent astrologer who can compute and interpret your charts. However, even without these, knowing the general energies at play can greatly assist in planning ahead. You know the drill! 

HAPPY HOLIDAYS EVERYONE!!! <3<3<3 God Bless us all!!!

Click below for your Sun sign and most especially your Rising sign, for more accuracy.

ARIES                 LIBRA              
TAURUS             SCORPIO    
GEMINI             SAGITTARIUS  
CANCER            CAPRICORN
LEO                    AQUARIUS    
VIRGO               PISCES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s