With your VENUS in ARIES, love is a battlefield worth fighting for and taking risks for! Kahit malumanay ka na Pisces, or super steady ka na Taurus, kapag ang Venus mo nasa Aries, you embody the warrior type when you are in love. There is alot of strength,  warmth and pure affection, but most importantly, there is alot of courage. Ok sa’yo mag take ng risks sa pag-ibig, kahit nakakatakot. The heart is adventurous, fiercely protective and most of all, brave.

Mabilis ka ma-excite sa prospects ng bagong pag-ibig, and ready ka to take the initiative. Pwedeng magkaroon ng hesitation mag initiate ng contact sa umpisa, pero you get over the hiya factor very quickly. Ok lang sa’yo mauna mag text, and in some level, may tendency ka to be a little excited about the chase. So medyo nadadali ka sa nagpapahabol. Habol ka naman. Okay lang sa’yo mag pursue, and usually, hindi ka nahihiya na ipaalam sa object of your affection na special sila sa’yo.

‘Pag nag papacute ka, or pumoporma, you like to give the impression that you are independent and capable! May konting bravado. May tendency ka din maging impulsive pag dating sa pag-ibig. Mabilis ka madala sa emosyon, lalo na pag bata! Ipaglalaban mo talaga, malakas ang loob. You get sweeped off by your emotions readily and willing ka sumugal, bahala na! Ingat lang dito kasi sa totoo lang, madali ka din ma-bore. Minsan, pag hindi na ganon ka exciting or wala nang kilig masyado, hindi ka na ganon na interesado!

When Venus is in Aries, there is also intimacy through conflict. The more nagkakaroon nang arguments, the more na fo-foster for you ang closeness and ang pagka-lalim ng samahan. Mahilig ka makipag-discuss to the point of away, although think of it as away bata – childlike and fleeting. Ang mga bata pag nag-aaway parang sobrang intense, pero malingat ka lang, best friends nanaman sila. Very child-like din kasi ang placement na ito, very pure of emotion and expression, walang malisya, and very honest din. If may special someone ka na Venus in Aries, it’s important to remember that their tempers are easy come easy go, and the smallest things can seem very huge sometimes, pero after expression, wala na ito at all. Kailangan lang siyang i-express. The need in this position is to find a natural partner who is not intimidated by the over-the-top passion that is characteristic of Venus in Aries. 

 

Your VENUS sign is most compatible with:

VENUS in LEO
VENUS in SAGITTARIUS 
VENUS in LIBRA

Your VENUS sign is most likely to struggle with:

VENUS IN CANCER
VENUS IN CAPRICORN